Sobrang ipinagmalaki ni Trillanes ang kanyang naipamigay na isang kakarampot na supot na bigas sa mga nabiktima ng bagyo na may litrato na nakapaskil sa loob nito.
Nakakuha ito ng atensyon sa mga netizens pagkatapos nakitaan ito ng post sa kanyang social media account na tila ipinagtanggol at ipinagmayabang ang kanyang naitulong. Hindi ito nagustuhan ng marami kaya inulan ito ng batikos. Ayon sa isang rebeldeng dating senador at ngayo'y mahigpit na kritiko ng administrasyong Duterte. Pinalalabas nito na ang ambag lang daw ng mga tagasuporta ni PRRD ay 'katangahan' at 'masamang ugali'.
" Me: Ganito kasi yan. Ang Sulong Tulong program ay proyekto ng aming grupong Magdalo para makatulong sa mga mahihirap sa panahon ng pandemya. Sinimulan ito nung April 2020 at ngayon ay nakakamahigit 100 relief operations na sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Ang pondo ay galing sa mga donasyon ng mga myembro at private donors. Ang paglagay ng pangalan at picture ay pasya ng mga myembro mismo para malaman ng mga donors kung saan napupunta ang mga donations nila. Pangalawa, dahil gusto rin daw ng mga nakakatanggap na malaman kung kanino galing ang mga relief goods. Pangatlo, gusto rin ng mga myembro dahil proud sila sa programa ng grupo. Pang-apat, ito ay pruweba na hindi nang-aagaw ng relief goods ang aming grupo na nangyayari raw ngayon sa mga calamity areas. Panglima, kahit nga UN World Food Programme may tatak ng pangalan nila ang mga relief goods na binibigay nila, sinita mo ba sila? Ano, maliwanag na?"
Basi sa kanyang pahayag, naninindigan ito na ang sulong tulong program ay proyekto ng kanilang grupong Magdalo para makatulong sa mga mahihirap sa panahon ng pandemya. Inaalmahan ito ng mga netizens dahil tila nagtatanim na ito ng maaga sa kanyang kandidatura sa halalan 2022.
Personal Opinion:
Walang mali sa pagbibigay ng tulong (malaki o maliit man ito), nagiging mali ito kung:
Una, ipagmayabang mo ito.
pangalawa, gawin mo ito para isulong ang iyong karera sa pulitika, o advance/early campaign sa gitna ng trahedya at epidemya.
Pangatlo, Paglagay ng paskil sa loob ng donasyon na tila patay-gutom ang iyong binibigyan at wala ng matakbuhan, kundi tanggapin ang iyong tulong. Sa madaling salita, kinakaawa mo ang mga biktima para isulong ang iyong hanggarin at ambisyon sa pulitika.
Panghuli, para makapanglamang sa iba, para may masabi na tumulong diumano, pero ang totoo ay gusto lamang makapanglamang at masisi sa kakulangan ng gobyerno o pamahalaan.
Note: Hwag magpauto sa ganitong mga istilo, gawain ito ng mga trapo o walang kwenta sa pulitika.
Ikaw, ano ang opinyon mo?
Disclaimer: "Anything Under the Sun" website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of this news article and its source/s. "Anything Under the Sun" reserves the right to delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Inappropriate posts will automatically be deleted.

No comments:
Post a Comment