Video Editor & Writer:

Video Editor & Writer: Audie Pino

Wednesday, December 2, 2020

Bakuna Laban Sa Covid Sisimulan Na Sa America? Paano Na Ang Mga Maliliit Na Bansa?

Isang napakagandang balita ang sasalubong sa mga amerikano sa paparating na pasko, ayon sa balita sisimulan na ngayong buwan ang pagturok sa unang covid-19 vaccine na pasyente.

Ang kilalang international pharmaceutical company, ang Pfizer, nakipag-ugnayan na sa aplikasyon para pahintulutan ang pamamahagi sa kanilang nadiskobreng gamot laban sa covid.


Tinatantyang aabot sa 70% out of 330 million, o mahigit 230-milyong katao sa kabuohang populasyon ng amerika ang posibleng mabakunahan, ayon sa balita uunahin ang mga U.S health workers at iba pang inirekomenda sa isasagawang pagbakuna.


Hindi man kapani-paniwala na sa loob ng kulang-kulang isang taon, makompleto na ng nasabing kompanya ang bakuna. Sa katunayan, inaasahang magkikita-kita  ang mga tagapayo ng FDA's at Pfizer ngayong desyembre 10 para sa gagawing hakbang.

Ikinatuwa naman ni U.S adviser Moncef Slaoui at pinabulaanan na sa loob ng 24 hours pagkatapos ma-apruba ang aplikasyon, kaagad itong dadalhin sa mga nasabing lugar. Dagdag pa nito na umaasa syang sa desyembre 11 or 12 masimulan na ang pagtuturok sa nasabing bakuna sa buong bansa.



Ang tanong, paano na ang mga maliliit na bansa?


Ayon sa mga balita, Tinatantyang magiging available ang bakuna sa Pilipinas sa mayo o hulyo sa susunod na taon. Umaabot sa $25-$37 ang halaga kada bakuna o mahigit 4 bilyon pesos ang kailanganin ng gobyerno para mabakunahan ang mahigit 109 million na kabuohang populasyon sa bansa.

Sa anunsyo ni Pangulong Duterte noong nakaraang buwan na kuha ng CNN Phillipines, binanggit ng pangulo na posible daw hihiram ang gobyerno ng 300-million dollars o mahigit 14 billion pesos para magagamit sa pagbili ng covid-19 vacine.


Dagdag ng pangulo, sinisiguro nya na uunahin ang mga mahihirap. Ito ang ilan sa kanyang pahayag:

"Hindi na talaga nakakatakot ang COVID. But sa ngayon, magbili ka mahal. But as I have promised, gastos ng gobyerno itong bakuna para sa lahat ng Pilipino. Kaya umpisahan natin sa mga mahirap,"


Ikinatuwa ito ng marami, lalo na ngayong libu-libo ang nawalan ng kabuhayan at pagkakakikitaan sa gitna ng pandemya.





Disclaimer: "Anything Under the Sun" website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of this news article and its source/s. "Anything Under the Sun" reserves the right to delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Inappropriate posts will automatically be deleted.


No comments:

Post a Comment