Video Editor & Writer:

Video Editor & Writer: Audie Pino

Thursday, December 17, 2020

Bagong Patutsada Ni Manang Leni; Doble-Kayod Sa Kanyang Karera Sa Politika. "Nahuli Tayo Nung March, Pagangkat Ng Virus. Ngayon Sa Vaccine, Parang Huli Na Naman Tayo."

 Isang hindi kapani-paniwalang pahayag ng pangalawang pangulo ng bansa tungkol sa hindi agarang pagkuha ng pamahalaan sa naturang bakuna laban sa Covid-19. Ito'y nag-ugat pagkatapos ilang mga mayayamang bansa ang nagsimula ng magbakuna galing sa isang kilalang international pharmaceutical company-  Pfizer-BioNTech.

Una ng nabalitaan ang pagamit ng nasabing bakuna ang U.K kasunod ang bansang Amerika na umaabot sa 800k dosis noong December 8 at 21-Million naman sa Amerika na inaasahang mauunang ibakuna sa mga frontliners noong December 11.


Dahil dito, tila ginagamit ng pangalawang pangulo Robredo ang sitwasyon para may maibato sa administrasyong Duterte. Pero, kung titingnan ang kanilang pakay bakit sila nasa posisyon, ay iisa lang ang kanilang layunin- magsilbi sa tao o taumbayan.


Magkaiba man ang kanilang banka na sinasakyan at pinanggalingan, pero iisa lamang ang kanilang patutunguhan, ang magsilbi sa bayan. 


Tama ba na batikusin ang kakulangan ng pamahalaan dahil lamang sa iilang pabayang empleyado, gaya ni DOH Sec. Duque na ayon sa balita may pagkukulang?

Ang sagot, HINDI.


Unang rason, parte ka ng banka na ang tanging layunin ay magsilbi sa bayan. 
Pangalawa, hindi si PRRD ang nagbibigay sahod sa pangalawang pangulo para atakihin ang kalaban nito.
Pangatlo, bakit mo atakihin ang kalaban kung maganda naman ang kanyang pamamahala sa taumbayan?
Panghuli, kung check and balance ang pag-uusapan, bakit hindi kayo nag-ingay sa mga nakaraang administrasyon?


Ang sagot sa lahat ng mga katanungan ay, wala kang bayag, wala kang maibubuga at lalong wala kang maitulong sa pamahalaan dahil sa pagtaas ng trust rating ni PRRD ay lalo kang nagmumukhang tanga.

Kung  baga, takot na mangyari ang dating halalan sa 2019, na wala ni isang oposisyon ang nakapasok sa magic 12 sa senado.


Sa madaling salita, pamumuna at paninira ang makinarya para palakasin ang karera sa politika. Ikaw, iboboto mo ba ang ganitong klaseng politiko?

O, ikaw ba ang klaseng tao na may pagmamahal sa sarili mong bansa, kaya ayaw mong ibigay ito sa mga tao o politiko na laging  naninira, sa halip na ipakita ang kanilang nagagawa?
















Disclaimer: "Anything Under the Sun" website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of this news article and its source/s. "Anything Under the Sun" reserves the right to delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Inappropriate posts will automatically be deleted.












No comments:

Post a Comment