Video Editor & Writer:

Video Editor & Writer: Audie Pino

Friday, December 4, 2020

Trending: Banana Cue Vendor, Ala Park Min Ho Ang Dating, Pinagkakaguluhan Sa Social Media

Isang banana cue vendor ang pinagkakaguluhan ngayon sa social media dahil sa kaniyang mala-artistang mukha, mala-koreana parang si Park Min Ho na bida sa maraming koreanovela ang bumihag sa mga maraming Pilipinong manonood.

Ang dalaga kinikilalang si Yssa Nicole Nengasca , 16-anyos at grade 11 estudyante sa Notre Dame of Midsayap College ang agaw pansin at trending sa social media hindi dahil sa napakababa ng tingin sa kanya, kundi bumilib at hinangaan ng maraming mga netizens sa kanyang kagandahan at kasipagan sa pagbebenta ng banana cue.

Ayon sa balita, " ang kanyang pagbebenta ng banana cue ay upang makatulong sa kaniyang pamilya lalo pa at nagkakaproblema umano sila ngayon sa kanilang sitwasyon dahil na din sa krisis na dulot ng COVID-19 na nakaapekto sa trabaho ng kanyang ina na nasa ibang bansa.

Ang nasa itaas ay ilan lamang sa mga ibu-libong positibong komento at reaksyon dahil sa hindi kapani-paniwala na sa kanyang murang edad at kagandahan ay hindi sya nagdadalawang isip tulungan ang kanyang OFW'ng ina at pamilya. 

Samantla, hindi naman akalain ni Nengasca na mag-viviral ang larawan nito at kaniya namang ikinatuwa ang mga positibong reaksyon ng mga netizens.


Ikinalungkot naman nito ang mga negatibong komento na nakaapekto din kay Nengasca tulad na lamang ng pambabastos at ginawang katuwaan ang kanyang larawan.


Dagdag ni Nengasca, sana maging inspirasyon na lamang sa iba ang kanyang ginagawa dahil hindi naman nito intensyon na mag-viral ang kanyang simpleng pagbebenta ng banana cue. Sa ngayon, mayroon na itong kabuohang 80-k likes, 5-k comments at halos 100-k shares."


Siguradong marami sa ating mga kababayan ang mai-inspire sa kanyang ginawa at maging wais, lalo na sa ganitong panahon at sitwasyon. Isa kang napakabuting halimbawa sa ating mga kabataan ngayon. 





Disclaimer: "Anything Under the Sun" website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of this news article and its source/s. "Anything Under the Sun" reserves the right to delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Inappropriate posts will automatically be deleted.




No comments:

Post a Comment