Ayon sa isang mainstream media (SMNI News), mga mambabatas na umano'y sangkot sa korapsyon sa DPWH batay sa pahayag ni Pang. Duterte, inihayag na sa kanya ng Presidential Anti-Corruption Commission.
Isa sa mga plataporma ng kasalukuyang administrasyon na linisin ang korapsyon sa kanyang pamahalaan. Kung matandaan, kasagsagan sa kanyang kampanya noong 2016, ipinahayag nito ang kanyang matinding pagnanais na labanan ang korapsyon na syang nagpapahirap sa bansa.
Sa katunayan, ilang tanggapan ng gobyerno ang sumailalim sa seryosong audit ng COA (Commission On Audit), kasama dito ang Bureau of customs, LTO, DPWH, at marami pang iba.
Ngayon naman, ipinahayag diumano ng Presidential Anti-corruption Commission kay Pangulong Duterte ang listahan sa mga pangalan ng mga mambabatas na sangkot sa alegasyon sa korapsyon sa DPWH.
Ayon sa balita (SMNI News), nangunguna sa listahan si Congw. Josephine Sato ng Occidental Mindoro, Former Cong. Teddy Baguilat, Jr. ng Ifugao Lone District, Cong. Alfredo Paolo Vargas ng 5th District, Quezon City, at marami pang iba.
Samot-sari ang reaksyon ng mga netizens pagkatapos ito mailathala sa kilalang social media, ilan dito ay desperado dahil sa sitwasyon ay nagawa pa diumano ng mga mambabatas na mangurakot sa gobyerno at taumbayan na syang nagpapalamon sa kanila.
Source: DZAR (SMNI News)
Ang listahan sa alegasyon sa korapsyon sa DPWH, ito ay ibinigay ng PACC o Presidential Anti-Corruption Commission kay Pangulong Duterte noong nobyembre at pinangalanan diumano ng pangulo ngayong buwan, ayon sa isang tagapaghatid balita.
Dagdag pa, pinangalanan din ang ilang mga District Engineers na sangkot sa grabeng nakawan sa pundo ng DPWH.
Sa weekly public address ni Pangulong Duterte, kanyang inihayag "The public should be aware that there is no hard evidence, that's one. That it can be translated by just reading the names that they are already guilty because presumption of innocence would lie all throughout until conviction or acquittal. Hindi ito ebidensya na ano sila. Kaya lang lumabas yung mga pangalan nila, at kailangan kong sabihin sa mga tao otherwise I'd look stupid."
The ipinalabas na pahayag ng palasyo, sana ay matuldukan na ang malawakang nawakan sa kaban ng bayan at maparusahan na ang mga sangkot para hindi na ito pamarisan.
Disclaimer: "Anything Under the Sun" website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of this news article and its source/s. "Anything Under the Sun" reserves the right to delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Inappropriate posts will automatically be deleted.

No comments:
Post a Comment