Ang pinakahihintay na panahon para sa mga motorista, pedestrian, at mga residente galing sa tatlong pinaka-busy na syudad sa bansa- Makati, Taguig, hanggang Balintawak Quezon City, sa wakas ay partially magbubukas na ngayong araw, Desyembre, 29, 2020.
Ang Skyway stage 3, matatawag na isa sa pinakamahabang daanan sa buong mundo na may haba na 18.68-km (or 11.61 miles) o mas mahaba keysa Minneapolis Skyway System sa Amerika na may haba na 18-km (11 miles), at kung pagsasamahin ang Skyway Stage 1,2 at 3 ay mas mahaba keysa China Hemei Bridge, pinakamahabang daanan sa china, na may haba na 23-km, samantala ang Skyway stages 1,2 at 3 ay may haba na aabot sa halos 40-kilometer.
Ang pinaka-ambisyosong proyekto nagiging posible pagkatapos isang unsolicited proposal ang natanggap diumano ng DPWH galing sa San Miguel Corporation- backed by Citra Metro Manila Tollways Corp. (CMMTC) at nagpaabot sa kanilang interest sa pagawa o construction sa elevated toll road Skyway's extension, o kilala sa tawag na Skyway Stage 3.
Ayon mismo sa Skyway Metro Manila wikipedia, ang proyekto ay unang isinalang sa dating administrasyon (Noynoy Aquino) noong February 2014, pero hindi natuloy dahil sa isyu sa right of way. Sa madaling salita, kulang sa political-will para maipatupad ang nasabing proyekto, hindi pa kasali ang corruption para may mamuhunan dito.
Kailangan pa ba talagang hintayin ang susunod na administrasyon para may mamuhunan o wala lang tiwala sa dating administrasyon?
Ayon naman sa balita, Ipinahayag naman ng presidente ng San Miguel Corporation, Ramon Ang, ngayong araw bubuksan at ipapagamit ang apat na lanes sa Skyway 3 para sa mga motorista. Samantala ang pormal na pagbubukas sa kabuohang 7 lanes ay nakatakda sa January 14, sa susunod na taon.
Ayon kay Ang, “We are glad to finally welcome motorists, even on a limited capacity, starting December 29 [Tuesday]. While this is only a partial opening, given the scale and importance of this project, this is a very significant development."
Pag-iingat at mataas na kalidad diumano ang dahilan sa hindi pagmamadali sa nasabing proyekto, dagdag nito.
“We cannot rush the curing of concrete and preparation for asphalt because these have to be given enough time and have to be done according to the highest specifications to ensure quality and safety,” Ang said. Together with Skyway 1, 2, and Skyway extension which have a total of 20 kilometers, Skyway 3 extends the entire Skyway system to 38 kilometers."
Ikinatuwa naman ng marami sa social media ang balita dahil sa wakas ito'y magbibigay ng mabilis at kaginhawaan sa mga pasahero at mga motorista. Sa katunayan, ayon sa Philippine Information Agency (PIA), ang dating 2 hours na travel time, ngayon ay 15-20 minutes nalang at inaasahang papalo sa 55,000 (55K) araw-araw na sasakyan ang dadaan dito.
Dagdag pa, ito din daw ay magbibigay na maraming trabaho hanggang 12,000 para sa construction.
Disclaimer: "Anything Under the Sun" website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of this news article and its source/s. "Anything Under the Sun" reserves the right to delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Inappropriate posts will automatically be deleted.
No comments:
Post a Comment