Isang nakakasukang pahayag sa ilan sa mga myembro ng Makabayan Bloc ang binatikos ng mga netizens pagkatapos nitong banggitin sa balita na " Removing Makabayan Bloc From Congress Would worsen Public Anger."
Nangyari ang pahayag noong lingo galing ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro bilang sagot sa pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana " Makabayan solons' presence in Congress further strengthens communist rebels.
Dagdag pa "Isa 'yan sa methods o paraan na puwede silang matanggal diyan sa Kongreso. Dahil alam niyo ang history nila, wala naman silang ginawa kundi batikusin ang gobyerno. Habang nandiyan sila lalong lumalakas ang CPP-NPA- (GMA News).
Sa naging pahayag ng kalihim, tila sapul na sapul si France Castro at pinatutsadahan nito ang kalihim. Hindi lang patutsada ay mina-mind conditining pa ang taumbayan, as if napaka-importante nila sa lipunan. Dahil dito, grabeng batikos ng mga netizens sa pahayag ni Castro. Ang ilan ay hindi nakapagpigil sa kanilang saloobin at tinawag ang mga Makabayan Bloc na pabigat, nakakatawa, dagdag gastos sa gobyerno at walang ginagawa, at marami pang iba.
Kung saan galing ang kanilang kompyansa o confidence ay sila lamang ang may alam. Isa nang marka sa mga Makabayan Bloc na e-mind conditioning ang taumbayan gaya ng Edsa Dos hanggan ngayon. Sa madaling salita, tila nabobohan sila sa mga taumbayan na palagi nilang ginagamit sa pamamagitan ng kanilang mabulaklak na mga salita.
Samantala, kung balikan ang pahayag ni Castro, isang napakalaking kasinungalingan ito dahil sa kanilang walang humpay na pakikipaglaban sa pamahalaan, pero hindi man lang nakaapekto sa popularidad ni Pangulong Duterte, bagkus mas lalo pa itong tumaas noong mga nakaraang buwan.
Ayon sa balita, umabot sa mahigit 91% ang trust rating ni Pangulong Duterte na mas mataas sa sinumang pangulo sa buong daigdig at ang natirang 9% ay kasama na dito ang undecided.
Sa madaling salita, 9 out of 10 Filipinos ay naniniwala sa pamamahala ng Pangulo. Kung ganon, asan galing at kinukuha ni Castro ang maraming magagalit kapag tanggalin ang Makabayan Bloc para makilahok sa halalan sa 2022?
Hindi ba siya nagbabasa ng dyaryo, o di kaya ay nanonood ng balita?
Disclaimer: "Anything Under the Sun" website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of this news article and its source/s. "Anything Under the Sun" reserves the right to delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Inappropriate posts will automatically be deleted.

Nakakasawa na Yang ginagawa ng mga yan dpat binibigyan na yan ng altematong. Para naman makabangon ang pilipinas.
ReplyDelete