Video Editor & Writer:

Video Editor & Writer: Audie Pino

Wednesday, December 9, 2020

Tingnan: NBI Counter-terrorism Chief, Patay Sa Tama Ng Bala!

Isang nakakalungkot na balita sa pamilya at katrabaho ng hepe ng NBI Couter-terrorism Division (NBI-CTD) ang bumungad pagkatapos binawian diumano sa pamamagitan ng putok ng baril galing sa opisina ni Raoul Manguerra, 49-anyos, sa headquarters nito sa Taft Avenue, Manila, 11:39 noong Lunes ng gabi.

Photo Credit: GMA7 News
Photo Edited: OpinionMoPinoy


Ayon sa balita, natagpuang may tama ng bala ang pinuno ng NBI-CTD sa loob ng kanyang opisina sa Taft Avenue dakong 11:39 ng gabi noong Lunes, ngunit idineklarang wala nang buhay sa ospital na pinagsuguran nito noong Martes ng hatinggabi.


Ito ang kabuohang detalye kuha ng Bandera.inquirer.net. Ang opinionMoPinoy website walang pakay na manguha ng sulat ng ibang news article, ito ay ginagamit lamang para tamang impormasyon ang maibahagi sa mga manonood.

"sa pahayag sa pulisya ni Atty. Maria Rosario Bernardo, live in partner ni Manguerra, sinabi niya na nakatanggap lamang siya ng tawag mula sa isang kawani ng NBI-CTD para ipaalam sa kanya ang pangyayari.


Sa ospital, nalaman ni Bernardo, 50, na ang driver ni Manguerra na kinilala lamang sa pangalang Bert at isang casual employee ang nagsugod sa hepe ng NBI-CTD sa ospital.

Sa panayam ng INQUIRER.net, sinabi ni MPD Homicide chief Police Captain Henry Navarro na hindi sila maaring magbigay ng iba pang detalye kaugnay sa kaso dahil nagsasagawa pa ng sariling imbistigasyon ang NBI.

“Nung nagpunta kami sa NBI hindi kami pinapasok kasi they are doing their internal investigation. They are allowed naman,” wika ni Navarro.

“Whatever reason, kung ano nangyari kung suicide ba ‘yan, nag-accidental firing o binaril ba ‘yan, wala pa kaming alam,” dagdag niya.

Ayon pa kay Navarro,  pinili ng pamilya ng biktima na ang NBI na lamang ang humawak sa imbistigasyon ng insidente.

Pinasarhan kaagad ang ahensiya matapos ang insidente, wika ni NBI spokesman Ferdinand Lavin.

“The director has ordered a thorough investigation into the incident, including a lockdown on the NBI premises immediately after the incident,” sabi pa ni Lavin.

Wala pang pinal na ulat ang NBI kaugnay sa insidente, aniya.

Sa pahayag naman ni Bernardo, sinabi niya sa pulisya na may stage 3 colon cancer si Manguerra."


Sa kabuohang detalye, bisitahin ang pinagkukunan ng balita: 
https://bandera.inquirer.net/271633/hepe-ng-counter-terrorism-ng-nbi-patay-sa-tama-ng-bala?utm_term=Autofeed&utm_medium=Social&utm_source=Facebook&fbclid=IwAR2-y3LIo6VhOLdNLMwr33xUDXViT31Oxlvmf_y57woQEo9ltV4xO2C8nlk#Echobox=1607480237




Disclaimer: "Anything Under the Sun" website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of this news article and its source/s. "Anything Under the Sun" reserves the right to delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Inappropriate posts will automatically be deleted.
















No comments:

Post a Comment