Video Editor & Writer:

Video Editor & Writer: Audie Pino

Thursday, December 3, 2020

Cong. Rodante Marcoleta, Ipapalit Kay Velasco Bilang House Speaker? - Social Media

Hindi ka ba nasiyahan sa ipinakita ng bagong House Speaker, Lord allan Velasco? Nitong mga ilang araw, may maugong sa kongreso kuha ng isang kilalang vlogger (Banat By) na nanganganib ang baguhang house speaker dahil sa planong magpapatalsik sa kanya.


Neophyte Velasco nagsimula pagkatapos humahalili sa term-sharing na napagkasunduan sa partidong PDP-LABAN ni Pangulong Duterte. Ito'y nagsimula noong mga nakaraang buwan, October 13, 2020.
Hindi madali sa baguhang house speaker na makuha ang upuan pagkatapos sumabit ito sa mga negatibong balita. 

Ayon sa social media, plano ni Velasco na ibalik ang ABS-CBN at tanggalin ang ilang mga Kongresista na kumampi sa pagbawi ng prankisa sa istasyon.
Source: https://ph-news.best/abs-cbn-babalik-kapag-si-lord-allan-velasco-na-ang-house-speaker-nag-pabagsak-saabs-cbn-tanggal-845.html?fbclid=IwAR0HIHj35in5bvLuK3Q--kBe7qQ-sI8Ejf5soGq4Eh-mnuXqQph5ThOefBk

Dahil dito, inulan ng batikos ng mga netizens na hindi nagustuhan ang pagiging dilawan o hindi tapat nito sa partido na syang nagluklok sa kanya sa speakership. 

Kung matandaan, marami sa taumbayan ang sumuporta sa panawagan na tanggalan ng prankisa ang ABS-CBN dahil sa pagiging bias at ilang mga paglabag nito, ayon sa kamara. 

Halos magta-tatlong buwan ang ginawang pagdinig sa kongreso hanggang nahatulan at natanggalan ito ng prankisa noong hulyo sa kasalukuyang taon. 
Marami sa mga kongresista ang sumang-ayon sa panawagan na isara ang istasyon. Sa katunayan, 70-11 ang bumuto pabor na itanggi ang pagpapalawig nito sa prankisa. Isa na dito ang pinakapaboritong kongresista ng taumbayan, tawag sa kanya sa social media ay "Darling Ng Bayan" si Cong. Rodante Marcoleta.

May katotohanan man ang nasabing pagpapatalsik sa kasalukuyang House Speaher Velasco, walang paki-alam ang taumbayan basta mailuklok lang ang Darling Ng Bayan na magiging bagong House Speaker.

Karisma, matalino, diretsahan, matapang, at walang kinikilingan ang nakikita ng mga netizens kay Cong. Marcoleta, kaya naman gusto din itong magiging isang senador sa paparating na halalan sa 2022.









Disclaimer: "Anything Under the Sun" website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of this news article and its source/s. "Anything Under the Sun" reserves the right to delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Inappropriate posts will automatically be deleted.











1 comment:

  1. Wala naman magandang ginawa at puro contra kaya dpat palitan na yan ng mas nag mamalasakit sa taong bayan.

    ReplyDelete