Halos araw-araw nating maririnig sa mga balita sa radyo, TV at mga social media ang mga kilalang pangalan sa politika- tulad nalang ni Isko Moreno, Bongbong Marcos, Leni Robredo, Manny Pacquiao at marami pang iba.
Sa dami ng maagang nagpapakita ng kanilang interes para sungkitin ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno sa mga Social Media, Radio at TV, tanging pangalan lamang ni Sara Duterte ang nangunguna sa listahan sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo.
May partida pa ito, hindi pa nangangampanya at hindi pa nagpapakita ng interes ang tinaguriang "Presidential Daughter" kahit sa social media.
Ayon sa Tribune.Net.PH, isang nationwide purposive sampling survey ang isinagawa ng isang Singapore-based firm sa mahigit 1,500 respondents na restricted lamang sa mga botante, para malaman sino ang mga pangunahing pangalan sa politika ang posibleng iboto pagka-pangulo at pangalawang pangulo.
Inday Mayor Sara Duterte nakakuha ng pinakamataas ng pagpili na umabot sa 14.6% sa pagka-pangulo at 17% naman kung tatakbo ito sa pagka-pangalawang pangulo. Sinundan ito ni Bongbong Marcos na nakakuha ng 14.5% kung tatakbo ito sa pagka-pangulo. Nakakuha rin si Isko Moreno ng 12.7% sa pagka-pangulo at 16% sa pagka-pangalawang pangulo at nasa panghuli naman si Leni Robredo, na nakakuha ng 10%.
Kung titingnan ang survey at kung ngayon gagawin ang halalan, masasabing hindi tumalab ang mga propaganda at mga pagpapapugi sa kampo ng oposisyon dahil nasa panghuli ang kanilang pambato na nakakuha lamang ng 10%. May ilan din naman na pinalad sa social media, katulad ni Isko Moreno at Bongbong Marcos dahil sa kanilang kaliwa't kanang appearance sa social media.
Paalaala lamang, ang survey ay isang estimation at hindi nangangahulugan na hindi ito mababago. Pwede itong magbago lalo na sa pagsisimula sa kampanya. Maaring merong mawala at mapalitan ng bagong pangalan at maaari din na mas tumaas pa ang makuhang marka ng ibang kumandidato sa papalapit na halalan.
Ang sekreto, constant appearance sa social media at gumawa ng tama sa serbisyo.
Disclaimer: "Anything Under the Sun" website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of this news article and its source/s. "Anything Under the Sun" reserves the right to delete, reproduce, or modify comments posted here without notice. Inappropriate posts will automatically be deleted.
Kung c isko tatakbonbilanh panagulo sya nlng iboboto ko kesa naman sa Mga alang nagawa vice langvc sara para sakin
ReplyDeletepro npa yan
DeleteSARAH WILL BE PRESIDENT
ReplyDeleteSHE HAS GUTS,TOUGHNESS
AND A IRON FIST!
SHES ANTI CPP NPA
MUCH EASIER FOR THE COUNTRY
PAG SI SARAH ANG PROYEKTO NG AMA IPAGPATULOY NG ANAK!
KESA ILAGAY MO IBANG ULALO SA PWESTO SAYANG ANG ADVOCAY NI DIGONG! BACK TO ZERO ZNA NAMN TAYO WALANG PAG UNLAD PAG ULALO NA PANGULO LAGAY NYO!